“Pst!”
Nilingon ko ang paligid. Walang tao kaya tinuloy ko lang ang lakad.
“Psssssst!!”
Mas matagal ngayon ang sitsit. Napilitan akong tumigil para alamin kung ako ba ang pinatutungkulan nun. Walang tao sa paligid kaya magkahalong kaba at pagkainis ang nadadama ko.
May nanloloko ba sakin?
Sa kadiliman ng gabi may lumitaw na anyo sa di kalayuan. Dumadagundong ang aking dibdib. Hindi ko alam pero gusto kong tumakbo ngunit ang paa ko ay ayaw. Nanatiling nakapako ito sa aking kinatatayuan.
Papalapit na ang imahe niya. Unti unting nawalala ang takot ko at napapalitan ng sakit…sakit kung saan pinipilit kong limutin..