Maalinsangan na gabi, walang ulap sa kalangitan, tanaw
ang madaming bituin sa langit. Naglalakad ako papunta sa labasan upang magpunta
sa isang kaibigan.
Habang naglalakad ay napukaw ang tingin ko sa isang imahe
ng tao na nakatayo sa isang poste. Isang lalake. Nakasandig siya sa katawan
nito at humihithit ng sigarilyo.
Tumigil ako upang pagmasdan ang kanyang imahe.
Maputi, may katangkaran at katawang pwedeng sabihing pang
modelo.
Laman siguro ng gym ito.
Pilit kong inaaninag ang kanyang mukha ngunit di ko
masyadong mabanaag pagkat ang parteng ito ay nakukublian ng sariling anino at
posisyon niya sa ilaw ng poste.
May kung anong pwersa ang nagtulak sakin para lapitan
siya. Hindi man lubusan kong nakikita ang itsura niya, nakakasiguro akong di
naman siya masamang tao. Kutob? Siguro. Antisipasyon? Malalaman ko.
“Boss”
“Ano yun?”
“Wala naman, napansin ko lang na nag iisa ka sa pwesto
mo. May hinihintay ka?”
“Wala. Nagpapahangin lang.”
Masyadong matipid siya sa kanyang pagsasalita. Arogante man
ang dating niya ngunit hindi ko makuhang magalit.
"Hindi ka taga dito. Pansin ko lang kasi, may pupuntahan ka?"
"Hindi ka taga dito. Pansin ko lang kasi, may pupuntahan ka?"
“Wala din.”
“Ok”
Nakaramdam na akong hindi siya interesado pang makipag
usap. Pinili ko nalang na magpaalam para narin makapunta ako sa pakay ko.
“Sige una na ako. Ingat nalang boss”
Wala akong nakuhang sagot. Nakaramdam ako ng hiya dahil
sa hindi niya pagsagot. Lumakad nalang akong hindi siya nililingon.
Suplado. Sayang may itsura pa naman.
Nakarating ako sa lugar ng aking kaibigan. Nakalimutan ko
na siya dahil sa naging abala ako sa pakay ko sa una. Lumalalim na ang gabi ng
magpasya akong umuwi na sa amin.
Nadaanan ko uli ang poste kung saan ko siya nakita kanina
ngunit sa pagkakataong ito ay wala na siya doon.
Wala na siya. Siguro umuwi na sa kanila.
Ilang araw ding naisip ko siya. Sa bawat pagdaan ko sa
poste kung saan ko siya nakita ay naalala ko siya. Umaasa akong makita ko uli
siya doon na nakatayo, naninigarilyo. Tumitigil ako minsan sa may poste sa pag
aakala na maaabutan o makikita ko siya doon.
Hindi naglaon ay nakalimutan ko din siya. Isa lang siguro
siya sa mga estrangherong naligaw sa aming lugar. Nagtuloy lang ang buhay
ko. Bumalik ako sa dati, naging abala rin sa buhay buhay.
Ngunit isang araw nakita ko uli siya. Nakasandal siya sa
poste at mukhang balisa. Gaya ng una naming pagkikita ay nilapitan ko siya,
baon ang kaunting lakas ng loob ay lumapit ako ng nakangiti sa kanya.
“Uy boss! Kamusta? Ngayon lang uli tayo nagkita ah!”
Tiningnan niya ako ng taimtim. Wari mo’y nananaliksik sa
aking pagkatao. Wala akong mabasa na emosyon sa kanyang itsura. Kapagdaka’y
nagsalita siya..
“Wala ka bang kasama sa bahay?”
Napantastikuhan ako sa kanyang sinabi. Kaagad din akong
nakabawi sa kanyang sagot sa akin. Sumagot din ako.
“Wala. Bakit?”
“Gusto kong pumunta sa inyo.”
“Teka teka. Sandali lang. bakit gusto mong pumunta
samin?”
“Wala lang. gusto ko lang pumunta.”
Hindi na ako nagtanong pa. Nagsimula na akong maglakad
pauwi habang siya ay nakasabay sa akin. Habang binabagtas namin ang daan
papunta sa ang aking bahay ay wala kaming imikan. Panaka naka ko siyang
minamasdan, sinisiguro ko kung kasunod ko ba siya. Nakikita kong nanatili lang
siyang nakatingin sa daan pero nakasasabay naman sa akin.
Nakarating din kami. Binuksan ko ang pinto at inanyayahan
siyang pumasok. Wala siyang imik na sumunod. Lumingon lingon sa kabuuan ng bahay
ngunit nanatiling walang imik.
“Pasensya kana may kaliitan ang aking bahay. Ako lang
naman kasi magisa dito atsaka…”
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil bigla niya
akong hinalikan. Marubdob ang kanyang halik. Mapagparusa, sumasaliksik tila nanghihingi
ng pagsuko.
Natangay na din ako sa kanyang halik. Sinabayan ang
kanyang galaw. Bawat singhap, bawat impit na tinig ay nalulunod na lamang ng
sensasyong pinagsasaluhan namin.
“Saan ang kwarto mo?” ang kanyang sinabi na humihingal
pa.
“Sa taas. Tara akyat tayo.”
Habang paakyat kami sa aking silid ay walang tigil ang
aming halikan. Napakapusok ng bawat galaw namin, pagiray giray na kami ng
makapasok.
Itinulak niya ako sa kama. Mabilis niyang tinanggal ang
kanyang saplot. Wala siyang tinira. Nanatili akong nakatingin sa kanya,
sinusuri ang kanyang katawan. Tama ang bawat anggulo, lahat may ipagmamalaki,
parang nililok ito ng isang iskultor. Binalik ko ang tingin sa kanyang mukha,
ang maamo niyang mukha na parang hindi makagagawa ng kasalanan. Nakangiti siya,
wari’y nasisiyahan sa aking pagsamba sa kanyang katawan at paghanga sa
kanyang mukha.
“Ikaw? Hindi kaba maghuhubad?”
Para akong nagising sa isang hipnotismo. Dali dali akong
naghubad ng aking saplot. Wala akong itinira kahit isa, hindi na ako nahiya na
ipakita ang aking katawan na bagamat hindi kasing ganda ng sa kanya ay hindi
rin naman padadaig ito sa itsura.
“Mukhang excited kana.” Nakangiti niyang sabi habang
pinagmamasdan niya ang aking kabahagi na kanina pa nakasaludo sa kanya.
“Ikaw din naman. Hindi din maikakaila na nasasabik na
yang sayo.”
Tuluyan na siyang dumagan sa akin at nagsalo sa isang
halik. Mas banayad ngayon ang aming halikan. Parang gusto niyang iparating na
mahaba pa ang gabi at nagsisimula palang kami.
Walang parte ng aking katawan ang hindi nadaanan ng
kanyang dila. Magaling siyang magpaligaya, aaminin ko na nung panahon na
iniisip ko siya ay pinangarap ko ang sandaling ito. Hindi ko akalaing
magkakatotoo. Masarap, nakakabaliw, nakakapagdala sayo sa langit.
Kung ito ay panaginip. Ayoko ng magising.
Matagal niyang pinagsawaan ang aking katawan. Ginawa ko
din ang ginawa niya sakin. Hindi man ako eksperto pero binigay kong lahat ang
aking nalalaman. Ayoko siyang biguin.
Para sayo. Gagawin ko ito.
Umungol siya tanda na nasiyahan siya sa ginagawa ko sa
kanya. lalo kong pinag ibayo pa ang aking ginagawa. Pinagmamasdan ko ang
kanyang reaksyon, minsan nakikita kong nakatingin siya sakin. Nakangiti parang
anghel na bumaba sa langit.
Sa kahabaan ng gabi ay paulit ulit naming nilasap ang
sarap dulot ng makamundong pagnanasa. Palitan, bigayan, wari’y sarili namin ang
mundo.
“I can’t believe nagawa ko iyon. Napagod ako pero masaya
ako.” Ang humihingal kong sabi pagkatapos namin ng isa pang duwelo.
“Ako din. Hindi ko inaasahan na magagagawa ko iyon.”
“Bakit ba natin ginawa ito?
Hindi siya sumagot. Biglang bumalik na naman ang kanyang
itsura gaya kanina nung nagkita kami sa poste. Pinagmasdan ko siya ngunit
nanatiling blangko lamang ang kanyang reaksyon. Nakahiga lang siya at
nakatingin sa kisame ng aking kwarto.
Kalauna’y tumayo siya, nanatiling siyang tahimik habang
isinusuot ang kanyang saplot na nagkalat sa sahig. Pinagmasdan ko lang siya
habang nagbibihis, maya maya pa ay…
“Uuna na ako. Salamat sa gabing ito.”
“Teka, hatid na kita. Hintayin mo ako magbibihis lang
ako.”
“Huwag na, naabala na kita sa pagpapatuloy mo sa akin
dito. Kaya ko ng umuwi mag isa.”
“Kung yan ang gusto mo ok lang pero gusto ko sanang
malaman ang pangalan mo. Nangyari na ang lahat sa atin pero di ko pa alam ang
pangalan mo.”
“Tawagin mo nalang akong estranghero.." tapos
ay ngumiti siya sakin.
Napatulala lang ako sa sinabi niya at tuluyan na siyang
lumabas sa aking silid. Narinig ko nalang ang marahang pagsara ng pinto ng
aking bahay tanda na wala na siya tsaka lang ako bumalik sa wisyo. Nasapo ko
ang aking mukha. Naguguluhan ako sa nangyari sa akin. Sa amin.
Ano ba itong nagawa ko? Hindi ko alam kung ano ang
nangyari sa akin.
Ilang araw ko ding naisip kung ano ang nangyari sa akin
nung gabi na nagkita uli kami. Parang panaginip lamang kung iisipin ko pero
alam kong nangyari siya. Marami ang nakakapansin sa aking kilos pero sinasabi
kong wala akong iniindang problema.
Binalak kong kausapin siya uli ngunit hindi ko alam kung
papaano. Isang nakita kong paraan ay abangan siya sa poste kung saan dalawang
beses ko siyang nakita ngunit ilang araw ko nang inaabangan siya ay wala akong
napala. Hindi siya nagpapakita. Nagmumukha na akong tanga kakahintay sa kanya
doon pero ni anino niya ay walang lumitaw. Nawalan na ako ng pag asa na
makikita pa siya muli. Nagsawa na din ako kakahintay at tinuring ko nalang
siyang isang kakaibang karanasan na aking dinanas.
Pauwi na ako samin ng madaanan kong muli ang poste kung
saan kami unang nagkita. Tumigil ako sandali para pagmasdan ito.
Kung nasan ka man estranghero salamat sa isang gabi na
pinaligaya mo ako.
At lumakad na ako patungo pauwi..
Nagpatuloy uli ako sa buhay ko. Madami na ang nangyari sa
akin. Hindi ko na rin lubos na maalala kung kelan kami huling nagkita. Masaya
na ako. Ayoko ng isipin pa siya. Gaya ng sabi niya isa siyang estranghero…
Isang araw pauwi na ako sa amin ng makita ko siya sa
nakatayo uli sa poste. Nakangiti siyang nakatingin sakin at parang andun siya
na hinintay ako. Hindi ko maiwasan na mapangiti habang papalit ako sa kanya.
“Kamusta?” bati niya sakin na nakangiti ng ubod ng tamis.
“Ayos naman. Ikaw? Ang tagal nating di nagkita ah”
“May inayos lang ako. Pumunta ako dito kasi gusto kong
makita ka”
Nakaramdam ako ng kilig ng sinabi niya iyon. Ngumiti ako
sa kanya tanda na natutuwa akong nakita siya.
Nanatili kaming nakatayo habang makahulugang nakatingin
sa isat isa. Parang may kung anong mahika ang nagpatigil sa oras ng sandaling
iyon.
“Tara? “ pagputol niya sa aming titigan.
“Sige, halika punta na tayo samin.”
Pagkadating namin sa bahay ay naulit na naman ang aming
pagniniig. Marubdob ang kanyang mga halik sa akin tanda ng kanyang pananabik.
Ako man ay pinalasap sa kanya ang aking pananabik .
Naging regular na ang aming pagkikita. Parati niya akong
inaabangan sa may poste. Pag nakita ko na siya doon ay alam ko na na mauuwi na
naman kami sa pagniniig. Parang mag asawa lang kami na ang kaibahan lang ay
hindi kami maaring ikasal.
“Aalis kana?”
“Oo” matipid niyang sagot habang nagbibihis siya.
“Sige, sa susunod uli estranghero.”
Ito ang madalas naming tagpo sa tuwing matatapos kami sa
aming paguulayaw. Walang tanungan basta may namagitan samin at iyon ang
importante. Natatanggap ko na hanggang ganun lang kami pero hindi ko ding
maiwasang maghangad ng higit pa sa nararanasan ko. Unti unti na siyang
napapamahal sa akin. Hindi. Mahal ko na pala siya kaya natanggap ko ang ganun
na senaryo. Ayoko siyang mawala, kaya pinipilit kong unawaain nalang ang kung
ano man ang gusto niya.
Isang gabi matapos ang mainit naming tagpo ay hindi ko na
matiis ang aking nararamdaman sa kanya kaya sinabi ko na..
“Mahal kita..”
Akala ko sasagutin niya ako pero wala akong narinig buhat
sa kanya. Pakiramdam ko napahiya ako sa sinabi ko sa kanya. wala siyang sinabi
bagkus niyakap lang niya ako ng mahigpit, dinig ko ang tibok ng kanyang puso at
ang malalim niya paghinga. Naramdaman ko ang pagtakas ng luha sa aking mga mata
ngunit hinayaan ko lang iyon. Dinama ko ang kanyang presensya, sinamyo ang
kanyang amoy.
Nilingon ko siya, nakita ko ang pamumuo ng luha sa
kanyang mga mata. Naging maagap siya at pinahid niya agad. Tumayo siya at
kaagad na nagbihis, walang lingong umalis ng hindi nagpapaalam sa akin. Hindi
ko makuha ang ibig niyang palabasin, mabigat sa akin ang nangyari. Pakiramdam
ko ay ako lang ang nagmamahal at isang pasakit lamang sa kanya.
Tuluyan na akong bumigay pagkaalis niya. Ang kanina pang
matang tumatangis ay lalong nagbalong ng masasaganang luha. Napakasakit. Hindi
ko alam kung bakit ako nasasaktan.
Mahal kita pero hindi ko alam kung bakit masakit sa
pakiramdam..
Matapos ang pagtatapat ko sa kanya ay hindi ko na siya
nakita. Nabigla siguro siya sa aking pagtatapat. Inaalipin ako ngayon ng
lungkot at pagsisisi kung bakit ko ba nasabi sa kanya iyon. Bakit kung kailan
ko nasabi sa kanya ay saka pa siya lumayo.
Ilang araw akong naghihintay sa may poste sa pag asang
makikita siya. Gusto kong makita siya, kahit sabihin niya sakin na hindi niya
ako mahal basta magpakita lang siya. Walang araw na hindi ko siya naiisip at sa
tuwing dumarating ang gabi na mag isa ako sa aking kama ay naalala ko siya,
tuluyan nalang akong naiiyak. Umaasa at nangangarap na katabi ko siya. Yakap
yakap ang unan, nananangis sa kawalan…
Estranghero, mahal na mahal kita…sana bumalik kana…
Isang gabing maalinsangan ay naisip ko na naman siya.
Tumayo ako para magpahangin sa may tapat ng bintana. Madalang na ang taong nasa
daan pero malayo ang natatanaw ng aking paningin, wala sa lansangan..
Estranghero? Ikaw ba yan?..
Namamalikmata ata ako. Nakita ko siyang nakatayo sa may
kanto malapit sa bahay ko. Nakatanaw sa akin. Kinusot ko ang aking mata pero
siya nga ang nakita ko!
Dali dali akong bumaba at humangos sa labasan. Gusto ko
siyang makita, mayakap. Wala na akong pakielam pa sa makakakita sa amin.
Ngunit wala siya. Hindi maaring hindi siya ang nakita ko.
hinanap ko siya sa paligid, paulit ulit kong sinuyod kung saang possible siyang
napunta.
Tumigil ako sa may poste, napagod ako sa paghahanap pero
desidido talaga akong hanapin siya. Ipapahinga ko lang ang pagod kong mga paa
at magsisismula uli akong maghanap.
Hindi maari…siya talaga ang nakita ko, alam kong siya
yun…
Napahawak ako sa poste. Nasalat ko na may nakakipit na
papel sa uka nito. Sariwa ang galos ng kahoy, parang ginawa lang kamakailan.
Kinuha ko ang nakaipit na papel at ito’y binasa. Namamasa na ang mga mata ko
habang binabasa ko ang laman nito..
Estranghero,
Alam kong makikita mo itong sulat dahil binalak ko
talagang malaman mo na ako ang nakita mo ngunit wala na akong lakas ng loob na
harapin ka kaya sa sulat nalang ako magtatapat sayo…patawad…
Patawarin mo ako dahil sa ginawa ko sayo. Ipagtatapat ko
sayo na nung una tayong magkita ay masama ang loob ko dahil nagaway kami ng
boyfriend ko na nakatira malapit sa inyo. Gusto ko siyang puntahan at kausapin
ngunit nagaalangan ako na pumunta sa kanila at dun tayo nagkita. Nagkaayos din
kami kalaunan. Nung nagkita tayo muli ay yung panahon na naghiwalay kami,
nasaktan ako ng sobra sa ginawa niya sakin kaya nung nilapitan mo ako ay nakagawa
ako ng bagay na hindi ko sukat akalain na gagawin ko. Patawarin mo ako dahil
ginamit kita para makalimot sa sakit na nararamdaman ko nung panahon na iyon..
Pagkatapos ng gabing iyon ay nakonsensya ako. Hindi ko
kayang idamay ka sa pinagdadaanan ko kaya lumayo ako. Noong ayos na ako ay muli
akong nakipagkita sa iyo. Aaminin ko, hindi pa talaga ako naka move on noon sa
boyfriend ko pero iba narin ang nararamdaman ko sa iyo. Pilit kong ibinabaling
sayo ang lahat at natututunan na kitang mahalin. Sa bawat gabi na tayo ay
magkasama ay maligaya ako, kontento akong katabi kalang nakahiga sa aking
bisig. kaso kinausap ako ng boyfriend ko at nakikipagbalikan. Tinanggap ko ang
alok niyang makipagbalikan pero hindi ko basta nalang ipinagwalang bahala ka,
ayokong mamili sa inyong dalawa. Lalo akong binatbat ng konsensya ko kaya noon
sana na balak kong ipaalam na kung sino ako ay hindi ko na itinuloy, nahihiya
ako sayo, mukhang tanga man ang paraan ko pero iyon ang nakikitang kong logic
at nakikita ko namang wala kang pagtutol sa kung anong meron tayo kaya lalong
hindi ko na inisip pa ang mga bagay na iyon..
Hanggang isang araw ay nakita niya akong papunta sa inyo.
Nagtanong siya dahil wala naman daw akong dahilan para pumunta sa inyong lugar.
Nagdahilan ako na may kakilala ngunit nagsususpetsa siya, tinatanong niya ako
ng pilit at nauwi kami sa pagtatalo. Pinalampas niya iyon pero hindi siya
kumbinsido hanggang sa nahuli niya uli ako at sa kasamaang palad pa ay yun ang
araw na sinabi mong mahal mo ako, magulo na ang isip ko at gusto ko na talagang
ipagtapat sayo at balak ko ng sabihin ngunit nahuli nga niya ako. Hindi na ako
nakapagdahilan pa. Balak niyang sugurin ka ngunit naagapan ko siya. Sabi niya
na patas na kami sa kasalanan namin sa isat isa. Pinapili niya ako kung sino sa
inyong 2 at kung siya ang pipiliin ko ay hindi na ako makikipagkita sa iyo.
Pinili ko siya hindi dahil mas mahal ko siya. Sa totoo
lang pantay lang ang pagtingin ko sa inyong 2. Ewan, hindi ko matimbang talaga
pero inisip ko na mas liligaya ka sa taong makakapagbigay sayo ng kanyang
sarili ng buo. Mabuti kang tao at hindi ang isang katulad ko ang nararapat
sayo. Nagsimula tayo sa isang kasinungalingan at hindi ko alam kung paano kita
haharapin kung malalaman mo ang sitwasyon ko. Hindi kita masisi na kamuhian
ako, nararapat lang iyon sa akin..
Kahit sa huling sandali gusto lang kitang makita. Wala
akong balak na iba pa, ayoko ng guluhin ka dahil alam kong nasaktan ka sa
biglaan kong paglayo. Patawad…hindi ko lang talaga mapigil ang sarili ko, ganun
kita kamahal kaya kahit matanaw lang kitang nasa bahay mo masaya na
ako…patawad….mahal kita…
Tandaan mo, mahal kita kaya ko ginawa ito. Masakit din sa
akin na mawalay sa iyo. Pero tanggap ko na ang kapalaran natin na hindi tayo sa
isat isa. Humanap ka ng tao na magmamahal sayo ng higit pa sa ipinadama ko
sayo. Maligaya na akong malaman na makakita ka ng iba.
Patawad uli…….kahit paulit ulit kong sabihin, patawarin
mo ako….mahal kita…
Estranghero
Halos mabasa na ang sulat na ginawa niya dahil sa aking
mga luha. Pilit kong iniintindi kung bakit niya nagawa ang ganitong bagay sa
akin. Masakit…napakasakit dahil alam kong minamahal niya rin ako..
Tuluyan na akong napaupo sa poste. Daklot ang sulat niya
na malapit sa aking dibdib. Hinahayaan kong lunurin ako ng mga luhang nilaan ko
lang para sa kanya..
Estranghero…mahal kita…mahal na mahal kita...
Kasabay ng aking pagtangis ay siyang pagdilim ng paligid.
Ang ilaw ng poste na nagsisilbing liwanag sa mga dumadaan ay
namatay…napundi…tila nakikiramay sa namatay na pag ibig…
No comments:
Post a Comment