Tuesday, October 9, 2012

Will Always..


“Pst!”


Nilingon ko ang paligid. Walang tao kaya tinuloy ko lang ang lakad.


“Psssssst!!”



Mas matagal ngayon ang sitsit. Napilitan akong tumigil para alamin kung ako ba ang pinatutungkulan nun. Walang tao sa paligid kaya magkahalong kaba at pagkainis ang nadadama ko.


May nanloloko ba sakin?



Sa kadiliman ng gabi may lumitaw na anyo sa di kalayuan. Dumadagundong ang aking dibdib. Hindi ko alam pero gusto kong tumakbo ngunit ang paa ko ay ayaw. Nanatiling nakapako ito sa aking kinatatayuan.


Papalapit na ang imahe niya. Unti unting nawalala ang takot ko at napapalitan ng sakit…sakit kung saan pinipilit kong limutin..


Matagal na akong pumupunta sa bar kung saan ko siya nakikita. Iba talaga ang dating niya sakin.


Sikat siya doon. Kilala niya ata ang may ari kung kaya parang VIP ang turing sa kanya. Nagulat ako ng minsan  ay nilapitan niya ako. Mabait pala siya. Sa kabila ng naririnig ko sa kanya ay nanaig ang pagkagusto ko sa kanya. Naging madalas ang pagkikita namin at sa bawat pagkakataon ay lalo akong nahuhulog sa kanya.


Dinig ko ang yabag niya. Kasabay nito ay ang pagdagundong ng aking puso.  Iba pa din ang epekto niya sa akin. Iba pa din talaga ang epekto sa iyo ng taong nagkaroon ng puwang sa buhay mo..


Nung una akala ko nagbibiro lang siya. Lantaran niyang sinabi na gusto niya ako, nahihiya nga ako kasi sa lahat ng tao bakit ako pa? ngunit determinado siyang pinakita sakin na seryoso siya. Inihahatid niya ako samin, parating iniimbita sa kanyang mga lakad. Pinakilala niya ako sa pamilya niya at mga kaibigan..


Hanggang sa di ko na nakayanan pa…totoo na talaga, mahal ko na siya..


“Shit!”


Mahal ko siya. Mahal na mahal. Sa 3 taon naming pagsasama ay nanatili akong tapat sa kanya.  Ang buong atensyon ko ay nasa kanya lang. Swerte ko nga dahil sa dami ng umaaligid sa kanya ay ako ang napili niya..
  

Bumabalik na naman ang alaala ng nakaraan.Unti unting namamanhid ang aking katawan. Pakiramdam ko ay unti unting umaakyat ang kirot; mula sa aking talampakan papunta sa aking dibdib.


Pero nararamdaman ko ang unti unti niyang pagbabago….


Tumigil siya saglit. Wari mo’y sinisiyat ako. Nakita ko ang hesitation sa kanyang mata ngunit agad din 
nawala. Napalitan ng makahulugang tingin sa akin. Biglang  may sumikdo sa aking kalooban.


Sa una ay ipinagwalang bahala ko lang. Alam ko naman sa isang relasyon dumadating sa punto na nagkakaroon ng sawaan. Dahil sa kami ang madalas magkasama ay nasakripisyo ko ang mga kaibigan ko ngunit ano ito? Bakit tila ako nalang ang nagsasalba ng aming relasyon?


“I know na hindi mo ito ine-expect..” sabi niya.


Ibinulsa  ko ang aking kamay para maitago ang uneasiness ko..


Hindi ko makakalimutan ang nasaksihan ko. Masakit, napakasakit..dahil ako pa mismo ang nagpakilala sa kanya ng taong magdudulot ng sakit sa akin…


Bakit iba pa din ang dating niya sa akin? Akala ko makakaya ko ito. Hindi pala..


OO mahal ko siya at nagbulag bulagan ako. Hinayaan ko lang ang mga kakaibang ikinikilos niya. Umasa akong mali ako kahit na may nakakadating sakin na balita na nagkukumpirma sa kataksilan nila. Ayokong isipin. Ayokong i-entertain…


Lumapit siya sakin at ako’y nanatiling  nakatayo lang. Nagkakahalo halong emosyon ang nararamdaman ko. Pananabik. Galit. Sakit.


Nakaharap na siya sakin.  Nagtama ang aming mga mata.


Banayad na humaplos ang pang gabing hangin sa aking balat. Nahawi ang kanyang buhok, kitang kita ko na ang mukha niya. Ang mukhang aking inaasam asam..


“Hi..” Pagbungad niya..


“Hi..” pagtawag niya sakin.


Madaming tao sa bar kaya nagulat akong binati niya ako. Matagal ko na siyang nakikita dito at sikat siya.


“Hello..”


“Napansin kasi kitang nagiisa. May kasama ka?”


“Wala..”


“Good! Can I join you?”


“Sure!”


Umupo siya sa tabi ko at nagsimulang magpakilala. Malakas ang dating niya, pakiramdam ko ang swerte ko lalo na at minsang nililingon kami ng ilan na may kasamang bulungan.


“You’re interesting..” ngiting sabi niya


“Thanks..”


Itinaas niya ang basong hawak niya at itinapat sakin. Nagtama ang aming mga baso. Ang kalansing nito ang nagsilbing simula ng isang makahulugang gabi..


“It’s been a while..since..” tumigil siya. Wari mo’y naninimbang ng sasabihin.


Since?


“…I’ve seen you..” mahina ang rehistro ng boses niya.


Nanatiling nakatayo pa din ako. Pakiramdam ko ay nagiinit na ang aking mata. Ayoko. Ayoko ng ganitong pakiramdam.


“Are you ok?” Tanong niya.


“Are you ok?” tanong ko sa kanya minsan habang nakaupo kami sa sofa.


Ilang araw ko na siyang napapansing parang malalim ang iniisip. Hindi ko naman inaalintana pero habang tumatagal ay napapadalas na ang pananahimik niya.


“Its nothing.” Pagdaka'y inalis niya ang kamay kong naka akbay sa kanya at tumayo. Napabuntong hininga nalang ako sa kinikilos niya.


“I hope you’re ok..” Napalingon ako sa kanyang direksyon.


“Its seems na hindi mo pa ako napapatawad.”


Napatingala siya. Parang umaapuhap sa kawalan.


“Nagkamali ako ng pagpili sa kanya.”


Tuluyan ng kumawala ang aking luha. Napapikit ako ng maalala ko na naman…


“Hon, this is my bestfriend..” Pagpapakilala ko sa kanya sa aking kasama.


“Nice to meet you..” at inabot niya ang kamay niya dito.


“You too..”


“Oh? Nakilala mo na siya baka sabihin mong selfish akong kaibigan.” Pagbiro ko dito.


“Maswerte ka. He’s a catch” napakindat pa sakin siya.


Nilingon ko siya at nakita kong napapangiti siya saming dalawang magkaibigan. Masaya ang pakiramdam ko dahil tanggap ng kaibigan ko ang aming relasyon at masaya siya para sa amin.


Hindi ko alam na yun ang simula ng aking kalbaryo. Natraydor ako..


“God knows how much I resented my decision.”


Nagpahid ako ng aking mata. Nakikita ko ang pagsusumamo sa kanya. Hindi ko kayang makita siyang ganito. Nasasaktan din ako..


“Im sorry…” pahabol niya..


“Im sorry…” ang nasabi ko at nanakbo ako palabas ng aming apartment.


“Hey! Wait!.” Paghabol niya sakin.


Hindi ko kinaya ang nasaksihan ko. Nagdududa na ako sa namamagitan sa kanila. Madalas na silang magkita ng hindi ako kasama ngunit pinili kong ignorahin, gusto kong magtiwala sa kanya, sa kanila. Tapos ito pa ang nasaksihan ko?….nagkamali ako…. ang tanga ko…. ang tanga tanga ko…


Naabutan niya ako. Matindi ang kapit niya saking kamay.


“Bakit?! Anong nagawa ko para magawa mo sakin yun?! Bakit?!”


“Shit! Wag dito! nakakahiya sa mga tao!” awat niya sakin.


“Nahihiya ka?!  Tang ina! Ginago niyo ko!”


“Wag kang mageskandalo! Tara sa bahay! Pagusapan natin ‘to!” matindi pa din ang hawak niya.


“Bitiwan moko!” marahas kong inalis ang kamay ko sa pagkakahawak niya.


Maagap niyang kinuha muli ito at hinila ako pabalik sa bahay.


Kinuyom ko ang aking kamay. Masakit alalahanin ang nakaraan. Pilit ko itong kinakalimutan.


“Ganun paba katindi ang galit mo sakin at ayaw mo pa akong kausapin?” bakas mo sa boses niya ang pagmamakaawa.


Hindi ko alam. Nakakaramdam pa din ako ng galit..galit sa kanila pero mas nanaig ang galit ko sa sarili ko. Bakit hindi ko pa din makalimutan siya?


“Please..talk to me..”


Lumapit siya sakin. Akmang yayakapin niya ako ngunit mula sa aking kalooban ay may nag udyok sakin.


“Don’t!” saway ko sa kanya. Napatigil siya at tiningnan muli ako.


“Don’t!” awat niya sakin. Gusto ko siyang pigilang umalis.


Pinapili ko siya sa aming dalawa. Tiningnan niya ang direksyon ng aking kaibigan at makahulugang siya nitong tiningnan. Tumingin siya sakin, matiim siyang pumikit at nagbuntong hininga, wala ng patid ang pagluha ko. Nararamdaman kong ako ang talo.


Dahan dahan siyang umalis sa aking harapan. Dumiretso sa kwarto namin. Naiwan kaming magkaibigan sa sala. Hinuhuli ko ang tingin niya sakin ngunit nanatili siyang nakatungo.


“Pinagkatiwalaan kita…”


Napatingin siya sakin. Naluluha na din siya, magkahalong galit at sakit ang aking nararamdaman.


“Im sorry..”


“Yun lang ba ang masasabi mo?!”


“I can’t explain everything. It just happened..”


“Fuck you!” pagputol ko sa kanya.


Napayuko siya. Naririnig ko ang mahihinang hikbi niya.


Hindi ko makuhang saktan siya. Hindi ko magawang pagbuhatan siya ng kamay sa kabila ng ginawa niya sakin.. tanga ba ako? Basta alam ko na wala akong lakas para gumawa pa ng ibang bagay…masyado ng nakakapagod ang nangyari sa akin. Ayoko na..


“Please…listen to me just this once..” pagmamakaawa niya muli..


“Please…”  Pagmamakaawa ko.


Lumingon siya sakin. Kita ko ang lungkot sa mata niya. Hawak ang bag niyang naglalaman ng mga damit niya. Nasasaktan ako sa nakikita ko; magkahawak sila ng kamay at paalis na.


“Im sorry..”


At tuluyan na silang umalis…


Naiwan akong mag isa. Hindi ko na kinaya, nagwala ako. Halos masira ang lahat ng kagamitan sa bahay, ang mga pinundar namin ay unti unting nauubos…nasisira…gaya ng aming relasyon…ito’y sira na..


Bakit?!!!


At tuluyan na akong nilamon ng pighati. Sa buong magdamag ay hindi ko na mabilang kung ilang luha na ang naipatak ko..


“Malaki ang kasalanan ko sayo.. hindi ko maimagine kung pano ka nakasurvive..nabulag ako..”


Unti unti kong ibinangon ang sarili ko. Sa una mahirap, andun pa din ang madalas na maalala ko siya at kasabay noon ang aking pagkatulala sa kawalan. At sa gabi kung saan sa paghiga ko sa aming kama ay siya ang naalala ko; ang yakap niya, ang presensya niya na nauuwi nalang sa impit na pagluha. Naapektuhan ang aking trabaho. Muntikan na akong mapariwara ngunit ipinangako ko sa sarili ko na makakaya ko ito..


“This too shall pass..”


“Hindi mo alam ang pinagdaanan ko..” garalgal man ang aking boses ay naisatanig ko sa kanya ang matagal ng  naipon sa aking kalooban.


“I know, kaya walang akong maibigay na  paliwanag…pero..”


“Pero ano?” tanong ko.


“Wala na kami..”


“Ayoko ng malaman pa ang nangyari sa inyo..”


Tumalikod na ako at sinimulan ko ng maglakad. Ayoko ng patagalin pa ang aming pag uusap. Hindi ako nakakasiguro kung saan makakarating kami..baka…ayoko..baka traydorin lang ako ng aking puso..


“Hey wait! Pakinggan mo naman ako oh! Please…”


Tumigil ako sandali pero nanatili akong nakatalikod sa kanya. Pagbibigyan ko na siya kahit ngayon lang.  Mali, pagbibigyan ko ngayon ang isinisigaw ng puso ko..


“Makinig ka..may we start all over again?..I promise, I will work things out this time…hindi na ako titingin pa sa iba..promise sa iyo nalang ako..”


May parte sa akin na natutuwa sa aking naririnig. Ngunit mas nanaig sa akin ang isipin na huwag…huwag umasa..ewan..


“Please..gagawin ko ang lahat..lahat, para mabalik ang pagmamahal mo sa akin..”


“I can’t. Sorry..”


“Why?” maagap niyang sagot.


“Basta..”


“Shit! Meron ka nabang bago? Please sabihin mong wala! Please…please!”


“Wala. Walang naging iba.”


Humarap ako sa kanya. Nakita ko ang pagliwanag ng kanyang mukha, ano ang nakikita ko? Natutuwa ba siya?


Agad din siyang nagsalita. Ramdam ko ang kanyang pagkasabik.


“Eh anong problema? Bakit ayaw mo? Ayaw mo naba sa akin?”


“Gusto kita..gustong gusto.”


“Yun naman..”


“Pero...” pagputol ko sa kanya. Nawawala na ang kislap sa mata niya, napapalitan na ito ng pagtataka.


“Pero gusto ko munang mahalin ang sarili ko. Oo, mahal kita, mahal na mahal. Pero dahil diyan ay nakalimutan ko ng mahalin ang sarili ko. Wala akong itinira, kaya ng iniwan mo ako halos gumuho ang mundo ko. Ayoko ng maranasan uli ang dinanas ko sa piling mo. Nasira tayo, nasira ang pagkakaibigan namin. Maraming nasira sa ating lahat.”


Napayuko siya. Napansin ko ang unti unting paglalandas ng luha sa pisngi niya. Humihikbi na din siya. Baliktad na ngayon ang eksena, siya na ang umiiyak at ako na ang kalmado. Pinipilit kong magpakatatag para masabi sa kanya ang gusto ko…ang tama..ang dapat sa simula palang ay ginawa ko na..


“Hey, listen.”


Tumingin siya sakin. Bakas mo sa kanya ang di maipaliwanag na lungkot. Marka ng pagkabigo.


“Pwede naman natin sabay gawin ang gusto mo diba? Bakit ganun? Alam ko namang nagkamali ako eh, pero mahal kita maniwala ka, nagkamali ako…mahal kita…mahal kita!” parang batang pangangatwiran niya. Tuluyan na siyang napahagulgol.


Hindi ko na nakayanan pa at muli akong napaiyak. Nilapitan ko siya at niyakap. Hindi ko kayang makita na umiiyak siya. Mahal ko siya pero kailangan kong gawin yun.


“Please wag ka ng lumayo..please..please..please…” sa pagitan ng kanyang mga hikbi ay patuloy pa din siyang nakikiusap. Wala na akong masabi dahil ako man ay nalulunod na din sa nangyayari. Hinahagod ko nalang ang kanyang likod, sa ganitong paraan man lang ay maipadama ko sa kanya ang aking nararamdaman pero buo na talaga ang desisyon ko. Ayoko ng magbago pa.


Unti unting siyang tumahan. Nakikita kong pinipilit niyang icompose ang sarili. Dahan dahan akong kumawala sa aming yakapan.


Tumikhim siya. Nagpahid siya ng kanyang mga luha at inayos ang nagulo niyang damit.


“You know I have to do it.” Halos maluha luha kong pagpapahayag sa kanya.


Tumango lang siya. Ramdam kong pilit niyang pinipigil ang kanyang napipintong pag iyak muli.


“Ok..kahit ayoko wala na akong magagawa. Basta promise me one thing.” Sabi niya.


“Ano yun?”


“After mong maayos  ang sarili mo tayo pa din sa huli..”


“I’ll try.”


“No! dapat tayo pa din! Maghihintay ako kahit gaano katagal, susuyuin kita uli. Kung kailangan, aagawin kita sa iba!”


Napapangiti na ako. Nakikita ko ang determinasyon niya. Sa ngayon ay masaya akong isipin na ganun sana ang mangyari samin sa huli.


“Sana nga. But for now kailangan na muna nating maghiwalay.”


Isang napipilitang ngiti ang kanyang pinakawalan.


“I’ll promise, maghihintay ako. Panghahawakan ko ang sinabi mo.” Pagkatapos ang tinapik niya ang kanyang dibdib.


Nagpaalam na ako sa kanya. Nauunawaan niya iyon. Pero bago pa man ako tuluyang makalayo ay sumigaw siya..


“Maghihintay ako sayo!.....I will always love you!.... Tandaan mo yan!...... I love youuuuu!!”


Napangiti ako sa narinig ko at tuluyan na akong naglakad…

No comments:

Post a Comment