Monday, April 16, 2012

Valentines

Neon lights. Great music. People dancing. A wonderful evening for all the people in the club.

Pero isang tao ang magisang nakaupo sa stool sa may bar area at walang pakialam sa paligid. Tuloy lang ang kanyang paginom.

Si Jeff

Nagwawallow sa kanyang recent break up. Mahirap pero gusto niyang makalimot. Ayaw niyang kainin ng depression kaya minarapat niyang lumabas at mag unwind.

Another guy is approaching the bar section. He too wants to drink. Kaiba kay Jeff gusto niyang magpakalunod sa alak para mamanhid ang kanyang katawan.

Si Andrew

“Scotch please” Order ni Andrew sa bartender pagkaupong pagkaupo niya.

Tiningnan ni Jeff si Andrew habang inaayos nito ang sarili sa pagkakaupo. Mukhang galing sa iyakan dahil namumula pa ang mata nito. Ang kaninang I-dont-care-what-the-world-is-doing niyang attitude ay biglang nawala sa pagkakita niya sa bagong dating na lalaki.

Nakaramdam si Andrew na pinagmamasdan siya ng katabi. Discreetly ay inayos niya ang mukha niya at humarap dito.

“May dumi ba sa mukha ko?” tanong ni Andrew sa katabi.

“Sorry. Nagulat lang ako sayo” biglang bawi ni Jeff sa kanyang trance-like look

“Ahhh, akala ko kung ano na.”
After that small talk ay naging tahimik na sila parehas. Hindi na muling nilingon ni Jeff si Andrew na ngayon ay muling bumalik sa pag inom ng kanyang inorder. Sinisimsim ni Jeff alak. Ninamnam mabuti ang lasa nito habang si Andrew ay mabilis na nilagok ang laman ng kanyang baso.

“Another round. And make it a double” Muling order ni Andrew.

“Another round sir coming right up.” Nakangiting sagot ng bartender habang kinukuha nito ang baso para salinan ng bago.

Humarap si Andrew kay Jeff habang habang hinhintay niya ang kanyang order. This time siya naman ang tumingin sa katabi.

“You seems lost in deep thought.”

Lumingon si Jeff sa katabi. Sinisiguro niyang siya ang kausap nito.

“Yeah”

“And also you seem sad”

Jeff smirks at what Andrew said.

“Look who’s talking, you are the one who looks like you just came from a funeral.” A rather sarcastic but a lightly reply of Jeff.

Napatawa si Andrew sa sinabi ni Jeff. Hindi nito mapigil ang sarili na tumawa ng tumawa. For him its liberating to laugh now na kanina ay hindi niya magawa.

Napatawa na rin si Jeff sa naging reaksyon ni Andrew. Mukha namang hindi ito naoffend sa sinabi if he will based it with Andrew’s reaction.

“I would say sort of nga. By the way I’m Andrew” Pakilala niya matapos niyang icompose ang sarili. Inextend din niya ang kamay niya para makipag shake hands sa kausap.

Inabot ni Jeff ang kamay ni Andrew. Pinisil niyang maigi.

“I’m Jeff.”

“Nice name”

“Thanks. Yours too.”

Bumitiw na sa pagkapit si Andrew sa kamay ni Jeff. Now he really wants to start a conversation with him.

“About my question kanina, why you seem so gloomy? Love problem?”

Jeff was amazed how Andrew asked those questions. It echoes the reality why he is in that place in the first place.

“Yup. Gusto kong mag unwind para mawala ang pesteng nararamdaman ko. Ikaw? Bakit ganun din ang
itsura mo?” Jeff now answers, he is quite at ease talking with these guy. Mukha namang magkakasundo sila.

“Same same. Someone broke my heart.” Sagot ni Andrew ng mahina. Now looking and swirling his glass.

“Ahh. So were on the same boat pala. Welcome aboard mate.” Sagot ni Jeff na obvious na pinasasaya lang ang kausap.

“Oo nga, kaya siguro I get along with you. Usual kasi sakin na mang snob ng tao especially strangers.”

“Edi I’ll consider myself lucky pala.” Patawang sabi ni Jeff.

Ngumiti naman si Andrew. Mukhang magiging masaya ang gabing ito sa kanya. Kanilang dalawa.

Then Andrew dropped the bomb.

“He broked up with me kanina lang. He’s planning to get married to this girl.” Hindi na niya napigil ang sariling maglahad sa kausap. Masakit. Napakasakit pero nasabi din niya.

Nabigla si Jeff sa sinabi ni Andrew. He thought that the guy is straight.


HE?? What the.. is this for real??

Hindi niya makuhang magsalita. Hinayaan nalang niya na magpatuloy itong maglahad ng saloobin, ayaw niyang masira ang moment nito. Mukhang hindi pa kasi ito tapos magsalita.

“Gulat ka? Sorry mukha akong tanga sa harap mo.” Pasinghot singhot at bahagyang natatawa sa sinabi niya. Tinitingnan niya ang reaction ni Jeff, wala pa din itong sinasabi.

“So? Gulat ka nga. Yes im not straight.” Pahabol nitong sabi.

Agad namang nagbalik sa kanyang sarili si Jeff. This time siya naman ang nagsalita.

“Well, nagulat nga ako sa revelation mo. Ang tapang mo namang sabihin yan sa di mo kilala. Aren’t you being too honest? Or gawa lang ng nainom mo?”

“Mukha ka naman kasing rational, isa pa parehas tayong broken hearted ngayon kaya naisip kong di naman ganun kabigat sayo ang sinabi ko.”

“Nagulat lang ako. Pero hindi naman ako naaasiwa or something. To tell you the truth ako din hindi straight and yes, lalake din ang dahilan ko.”

Nanlaki ang mata ni Andrew sa sinabi ni Jeff, siya ngayon ang nagulat sa sinabi nito. Hindi niya ineexpect na gaya din niya si Jeff.

“Akala mo ikaw lang ano?” Patawang sabi ni Jeff.

Napabulanghit na din ng tawa si Andrew, hindi niya akalaing makakatagpo siya ng isang tao na makakapagpalimot ng kanyang dinadamdam ngayon. Kahit sandali, naibigay ni Jeff iyon.

Hindi ugali ni Jeff na ipangalandakan ang sekswalidad niya sa nakakausap. Discreet siya, nasabi lang niya ito kasi gaya niya ay parehas sila ni Andrew. Kumbaga hinihingi lang ng pagkakataon dahil nasabi ni Andrew ang kanyang pagkatao sa kanya, bakit siya hindi din niya magagawa.

“Alam mo, magkakasundo tayo. Tingin ko lang” Makahulugang sabi ni Andrew.

“Palagay ko din, wag mo lang akong barahin” Pagbibiro ni Jeff.

Marami pang napagusapan silang dalawa. Trabaho, konting background ng kani kanilang pamilya at hanggang sa dumating sila sa puntong nasabi nila ang kani kanilang mga sawing kapalaran sa buhay pag ibig.

“Ang sakit malaman na after all we’ve been through eh magagawa nya yun sakin..sakit” Pahayag ni Andrew, na bagamat nasasakatan ngayon ay hindi naman gaya kanina ang pakiramdam niya.

“Masakit nga pero kung titingnan ko siya mas maganda na din sa babae siya napunta. Unlike me pinagpalit ako sa lalake din.” Pag alo ni Jeff sa kausap.

“You think so?”

“Let’s face it, ang lalake ay para sa babae. Of course im referring to straight guys.”

“I know my BF is not straight. In the first place bakit niya ako pinatulan.”

“Siguro nangarap siyang magkapamilya. Mahirap din sa position natin ang magsabi na habang buhay tayong ganito…mag isa.”

Hindi na nakaimik pa si Andrew. Sabagay may pont naman talaga si Jeff sa sinabi nito.

Binasag ni Jeff ang katahimikan nila.

“Ikaw? Hindi kaba nangangarap magkapamilya?”

“Alam ko sa sarili ko na hindi ako itinadhana na magkaron ng asawa. I can adopt pero having a wife at my side? No! hindi ko kayang dayain ang sarili ko.”

“Ikaw?” balik tanong ni Andrew

“Were on the same boat nga talaga. Ganyan din ang pananaw ko.”

Napangiti si Andrew sa sinabi ni Jeff. Naiisip niya na maraming bagay talaga silang napagkakasunduan.

“Bakit kasi hindi kita nakita noon pa!” pabiro pero may lamang sabi ni Andrew

“Siguro hindi pa nakatakda para satin na magkita. Not until now”

Nagkatitigan silang dalawa. Ngayon lang napagmasdan ni Andrew maigi ang mukha ni Jeff. May itsura talaga ito at kung hindi mo titingnan maigi ay hindi mo maapreciate. Siguro nakukublian lang ito ng salamin sa mata at guri na hindi malamang ayos ng buhok.

Si Jeff naman ay kanina pa alam sa sarili niya na attracted siya sa kausap. Hindi siya magiging magiliw dito kung hindi nakuha nito ang kanyang atensyon. Malakas ang appeal nito, kayang dalhin kahit ano ang ipasuot.

“Alam mo may itsura ka Jeff, ayusin mo lang ang sarili mo. Ano ba naman kasing style yan parang emo.”

“Hindi naman ako emo, ganito lang talaga ako. Hindi naman ako vain gaya ng iba.”

“No wonder na ipagpalit ka ng jowa mo!” pang aasar ni Andrew

“At nagsabi ang hindi pinagpalit. Oh wait pinagpalit ka pala sa mas maganda sayo!” Balik pang aasar ni Jeff.

Nagtawanan nalang sila sa nagiging takbo ng usapan.

Naging mabilis ang oras para sa kanilang dalawa. Hindi kasi nila ito namamalayan dahil nalilibang silang mag usap. Tumayo na si Jeff dahil gusto na niyang umuwi.

“Hanggang dito nalang, uuwi na ako Andrew. Next time nalang.”

Natahimik si Andrew.

“Oh bakit? Kanina lang masaya kana, bakit natahimik ka na naman?”

“I don’t think may next time pa sooner. I’ve called my parents na babalik na ako sa amerika.”

“Ambilis naman ata, kelan ba ang alis mo” tanong ni Jeff. makikita sa mukha niya ang pagkadismaya. Inaasahan pa naman niya na masusundan pa ang kanilang pagkikita ngayon.

“3 days from now. Bago ako pumunta dito ay natawagan ko na sila. Nagpabook na sila sakin ng nearest flight. Its time na pagbigyan ko na ang hiling nila, kaya lang naman ako nandito dahil sa..oh forget that asshole”

“So its goodbye then satin.”

“Maybe it is”

Pareho silang natahimik. Gusto nila parehas na magkita pa pero hindi na ata uubra. Nanghihinayang sila parehas pero pagkakataon na din ang nagtakda na pang isang gabi lang sila magkikita.

“Kahit na ngayon lang tayo nagkita ay mamimiss kita. Ewan..basta!” sabi Jeff

“I don’t want you to be sad, ako man namimiss na kita ngayon palang.”

Tumayo na din sa pagkakaupo si Andrew. Ginagap niya ang kamay ni Jeff

“Siguro hindi parin siguro oras para sating dalawa.”

“Siguro pagnagkita uli tayo. Malalaman natin.” Sabi ni Andrew

Nagpaalam na sila sa isat isa. Dala ang alala ng isang pagkakaibigang saglit man ay isang magandang simula sa hinaharap…

…after 2 years…

Isang lalake nakaupo sa isang stool sa bar. Umiinom. Malalim ang iniisip. Hindi kakikitaan ng emosyon at walang pakialam sa ingay at kasiyahan ng paligid.

Isang lalake dire- diretsong binabagtas ang bar. Wari’y sigurado sa kanyang pupuntahan.

“Is this seat taken?” tanong ng kadarating lang na lalake.

“No its not taken. Have a seat.”

“Thank you.”

Pagkaupo niya ay umorder siya.

“Scotch please.”

Muli nyang hinarap ang katabi na hanggang sa ngayon ay nakatingin pa din sa kanya.

“Madalas ka ba dito?”

“Madalang na.”

“Bakit?”

“Kasi sa tuwing napupunta ako dito ay naalala ko yung nakausap ko 2 years ago. Broken hearted yun.”

“Anong connect?”

“Wala, after kasi naming magusap di na siya bumalik dito. Balita ko nangibang bansa na. naiisip ko lang siya
parati.”

“Bakit mo siya naiisip.”

“Kasi, ng araw na yun ay yung araw na narealize kong hindi ko na pala mahal yung ex ko. Siya lang ang nakagawa nun sakin.”

“Ahhh”

“Ikaw? Bakit ka nandito?”

“Kasi may nung araw na nagbreak kami ng partner ko may nakausap ako na tao dito. “

“Tapos?”

“Siya ang dahilan kung bakit naging masaya akong umalis ng Pilipinas. Magaan ang loob kong bumalik sa Amerika para ipagpatuloy ang buhay ko.”

“Nakita mo naba siya?”

“Oo”

“Asan siya?”

“Kaharap ko.”

Niyakap siya ni Jeff. Alam niyang tama ang desisyon niyang bumalik sa Pinas. Mahigpit din ang naging tugon niya sa yakap nito.

“Namiss kita Jeff. Sobra.”

“Akala mo ikaw lang. Miss na miss kita Andrew.”

Sa mga yakap nila pinadama ang kanilang pangungulila nila sa isat isa. Sa 2 taon ng kanilang pagkakahiwalay ay napayabong nila ang kanilang nadarama sa bawat isa. Pakiramdam nila ito na ang panahon na nakatakda para sa kanila.

Bumitiw sila sa pagyayakapan. Parehas na may ngiting nagtinginan. Nagni-ningning ang mga mata ni Jeff habang minamasdan niya ang mukha ni Andrew. Sa pakiramdam niya sulit ang taong naghintay siya sa kay Andrew.

Ganun din ang pakiramdam ni Andrew. Sa 2 taong pagkawala niya ay hindi nawala sa isip niya si Jeff. Napansin niyang iba na ang itsura nito kaya lalo itong naging maganda sa kanyang paningin. Tama talaga ang naging desisyon niyang bumalik.

“Happy Valentines Jeff.”

“Happy Valentines Andrew.”

At nagsalo sila sa isang halik…

No comments:

Post a Comment