Papunta si Mark sa isang lugar na ayaw
na niyang puntahan pa. Ang lugar na kung saan mahigit sampung taon na niyang
kinalimutan.
Walang pinagbago ang lugar..
Pinagmasdan niya ang kalawakan ng lugar
kung saan pinagdadausan ng isang pagtitipon. Ang mga taong nasa paligid na
abala sa pakikipagkwentuhan. May mga pamilyar na mukha at meron naman hindi na
niya matandaan.
“Dumating ka!” Ang humahangos na sabi ng
isang babae papalit sa kanyang direksyon.
“Hindi kasi kita mapahindian”
nakangiting sagot ni Mark dito.
“Kamusta na Mark!” paglalahad ng kamay
nito sa kanya. Imbes na kunin niya ang kamay nito ay niyakap niya ng mahigpit
ito.
“Na-miss kita Jenny”
Wala ng magawa na itong magawa kundi
suklian ang kanyang yakap. Ang sampung taon ng pagkakahiwalay ay nagpabago ng
kanyang nararamdaman dito.
“Miss na din kita Mark.” Ang ganting
akap din nito sa kanya.
“Jen may aaminin ako sayo pero wag kang
magagalit ha?” Ang sabi ni Mark matapos na makawala sa kanilang akapan.
“Mamaya na yan Mark, naghihintay na sila
sa atin.” Pag awat sa kanya ni Jenny.
“Pero…”